Sunday, November 22, 2009

Sapatos

Marami akong sapatos,mahilig kse akong mangolekta
Iba-iba ang kulay,iba-iba ang tatak
Pero me isa akong paborito at iniingatan
Di ito nakalagay sa shoe rock kundi sa loob ng room ko

Parang ikaw din,pinakaspecial sa puso ko
At sa bawat hakbang ko andyan ka para gabayan ako sa tamang daan
at direksyon ng buhay ko

At nung araw,isa-isa kong inayos ang mga ito
At ang paborito ko,nilabhan,nilinis ng bonggangbongga,pinatuyo
Ng matuyo,nilagay ko na sa shoe rock kasama na ng mga sapatos ko

At ngayong wala ka na sa buhay ko
Na isa na lang ako sa nakaraan mo
Siniguro ko muna na ok ka at masaya sa piling nya

At sa susunod na magkakaroon uli ako ng bagong sapatos
This time,sisiguraduhin ko,mas magaan,mas matibay
at mas komportable na ito.

No comments:

Post a Comment