Saturday, September 4, 2010

DYOSA

Malapit ng magsimula ang basketball tournament dito
At dahil dyan ay busybusihan kami
Ang mga officers lang pala ng club
Di pala ako officer
Dahil mga friendship ko sila
All-out ang suporta ko
Bilang alalay nila
Di bale ok lang yon
Mas maganda naman ako sa kanila hihihi..
Syempre gabi-gabi nasa club kami
Tulong-tulong sa paglilinis at pagpapaganda 
Meeting-meetingan
At dahil basketball tournament
Kelangan me muse ang bawat team
At dahil mga bading na ang pamunuan
Di na katulad dati na basta pipili na lang ng best muse
Ngayon Search for Ms Filipino Club Basketball League na
Pero di naman major major pageant ito
Nasa gitnang silangan kami kya walang swimsuit competition
Pinagsama-sama na ng mga bading ang forces nila para sa choreography
At sa buong program mismo
Pero hindi yan ang mas inaabangan namin
Mas excited kami sa mga players ng ibat-ibang teams
Na mula pa sa ibat-ibang company kung saan sila nagtatrabaho
Madaming guwapo kaya ngayon
O kaya mga cuties
Me mga hunkylicious din kaya
Sinu-sino kaya ang magkakadyowa
Me matetake home ba pagkatapos ng laro 
And i'm soo sure ang mga lola kanya-kanyang eksena
Kanya-kanyang drama para mapansin
Hihiramin muna namin ang invincible salamin ni Kuya Boy
Sabay-sabay na haharap sa salamin at sasabihing
"Mirror mirror on the wall who's the pinakamagandang dyosa of us all."