Friday, December 17, 2010

ano daw ?

sa isang wedding reception

kasalukuyan akong lumalafang

ng biglang nag-alburuto ang  tiyanda romero

so may run to you ala lydia de vega akez sa kasilyas

at habang nakajupo ang reyna sa  tasa

este sa trono pala

nasightsung ko itey....
 



















ano daw ?

Monday, November 29, 2010

laban

me nagparamdam kanina lang
at himala
tumawag
hindi miskol lang
nangangamusta
namiss daw nya ang katawan ko
i mean ako hihihi
and he is coming tonight
at me bitbit pang bagong boylet
matinding labanan to
excited na ko..

Tuesday, November 2, 2010

ober da bakod

Dalawa sa mga kilalang bading ditey ang wala na..
oopps di po sila najulie vega at nadeport
at lalong di na tegi aunor
nag-ober da bakod lang sila
i mean lumipat ng ibang bansa
una dyan si Welga
kilala bilang Noie
na naging Ouie
at b4 umalis naging O na lang
parang evolution of man lang devah
do u still remember him?
ay sori as if me nagbabasa pala ng blog ko
other than  me and myself
deadma na lang
kunyari meron
siya yong mahilig makipagwelga sa pinas
dito liderlideran siya ng isang organisasyon
na tumutulong sa mga kababayan natin
ika nga nya
bayan muna bago sarili
devah masyadong makabayan ang drama
no wonder zerowena ang luvlife ng lola niyo
a month ago umalis na siya
this time sa Qatar
at ang kanyang rason sa paglipat?
to find his one true love
isang single
at pakakasalan  siya
ambisyosang  frog na bundat
haler mas istrikto pa dun kesa dito noh
pero the truth is
mas maganda kse ang offer sa kanya dun
executive secretary ng isang company
sosyal at ang gandang pakinggan ng work nya infairness
happy ako
kase wala ng magkakalat na pokpok ako
wala ng kokontra sa akin pag naglalandi ako
walang haharang sa mga boys na nagkakagusto sa kin
wala na akong ka english-san kahit talo ako lagi
di ko na din maririnig ang famous line nya
pag me tumatawag sa kanya ng bakla bading o bayot
"excuse me i have my name" wt matching irap
pero mas sad ako
kse mawawalan ako dito ng isang true friend
mamimiss ko siya
at ng sangkabaklaan dito
isang okray pero mabuting friendship
at sure na sure ako
tuloy pa din ang pagtulong nya doon.

Monday, October 11, 2010

MS FCBL 2010

Kung me paliga
Me basketball team
At mawawala ba ang mga muses?
Syempre hindi noh
Kung dati ay mga muse lang sila
Iniba na ngayon
Dahil out and proud gay ang Pres ng Club
Ginawang search for MS FCBL 2010
Mas bongga devah..
Kung ang PBA ay me Vice Ganda
Dito meron din
Charing lang..
Wala...
Di pwede..
Baka selda katorse ang ending
Ginawa na lang silang hosts
Actually di naman talaga bawal dito
Dafat behave at di masyadong showy
Anyhow howhow the carabao
Ladies and gentlemen
The lovely candidates for the MS FCBL 2010


MS TRANSFED


























 MS LILY TRAVELS




































RAK FREE TRADE ZONE






































 MS ALHAMRA HOTEL




































MS RAK CERAMICS




































MS RAK FIL KNIGHTS


















MS KHOIE / UNIGLOBE



































MS A I C















































SPECIAL AWARDS

People's Choice Award
( online voting- FB )
--MS TRANSFED

BEST IN SPORTSWEAR
--MS A I C

BEST IN CASUAL WEAR
--MS A I C


MS FIL CLUB BASKETBALL LEAGUE 2010

MS ARABIAN INTERNATIONAL COMPANY
 ( A I C )




















( photos courtesy of FIL CLUB RAK..)

Wednesday, October 6, 2010

FCBL 2010

The opening of the Fil Club Basketball League here in Ras Alkhaimah

was successfully held last Sept. 24, 2010..

It was well attended by the Filipino community here  as well as Pinoys

from Dubai and other emirates of UAE..

We had fun

Our kabayans had fun too

Dafat lang devah... echos

There are 8 participating teams

Eto po sila




Lily Travels


















Transfed

 














Rak FTZ

 













RAK Ceramics















 


Khoie/Uniglobe




















Arabian Int'l Company

 





















Alhamra Hotel
 














Rak Fil knights


Tuesday, September 21, 2010

BUSY

Super busy ang mga officers ng Fil Club

at  dahil  friendship ko sila

syempre kasama pa din ako

tulong-tulong sa paglilinis at pagpipintura

malapit na kase ang opening ng basketball tournament

sa Friday na po ito Sept. 24, 2010

eto po ang ilan sa mga photos nila...








































































yan lang  po muna ngayon..

Saturday, September 4, 2010

DYOSA

Malapit ng magsimula ang basketball tournament dito
At dahil dyan ay busybusihan kami
Ang mga officers lang pala ng club
Di pala ako officer
Dahil mga friendship ko sila
All-out ang suporta ko
Bilang alalay nila
Di bale ok lang yon
Mas maganda naman ako sa kanila hihihi..
Syempre gabi-gabi nasa club kami
Tulong-tulong sa paglilinis at pagpapaganda 
Meeting-meetingan
At dahil basketball tournament
Kelangan me muse ang bawat team
At dahil mga bading na ang pamunuan
Di na katulad dati na basta pipili na lang ng best muse
Ngayon Search for Ms Filipino Club Basketball League na
Pero di naman major major pageant ito
Nasa gitnang silangan kami kya walang swimsuit competition
Pinagsama-sama na ng mga bading ang forces nila para sa choreography
At sa buong program mismo
Pero hindi yan ang mas inaabangan namin
Mas excited kami sa mga players ng ibat-ibang teams
Na mula pa sa ibat-ibang company kung saan sila nagtatrabaho
Madaming guwapo kaya ngayon
O kaya mga cuties
Me mga hunkylicious din kaya
Sinu-sino kaya ang magkakadyowa
Me matetake home ba pagkatapos ng laro 
And i'm soo sure ang mga lola kanya-kanyang eksena
Kanya-kanyang drama para mapansin
Hihiramin muna namin ang invincible salamin ni Kuya Boy
Sabay-sabay na haharap sa salamin at sasabihing
"Mirror mirror on the wall who's the pinakamagandang dyosa of us all."

Tuesday, August 31, 2010

Azuzasyon

Me bago ng pamunuan ang Ras Alkhaimah Fil Gay Club Association

I mean Fil Club Association pala

Tapos na ang election

Sorry wala palang election na naganap

Di na natuloy

Nagbackout ang mga kalaban

Natakot sa lakas ng puwersa ng mga nakaupo na ngayon

Eto ang listahan ng mga bagong opisyales ng club

PRO--- si lakay kumpare ng mga bading

Auditor--- bading na madaling mainlove

Treasurer--- kumare ng mga bading

Secretary--- babaeng mas bading pa sa bading

Vice President External--- ang ate Vi ng mga bading dito

Vice President Internal--- bading na ewan

At kung ang Presidente dati ay isang tiboli ice cream

Ngayon naman ang Presidente ay isang bading

Yes trulili mga sisters

Isang out and proud gay

Kya

Ang sayasaya .

Tuesday, August 24, 2010

si venus at ang major major

tapos na ang ms universe

nanalo na si ms mexico

pero pinag-uusapan pa rin si venus

at ang kanyang major major answer

madaming komento

madaming nasasayangan

eto na lang ang sasabihin ko

major major congratulations pa rin..


Friday, August 20, 2010

RAMADAN

I'ts the holy month of ramadan

Para sa mga tiga rito at iba pang muslim

Eto ang time of cleansing and giving

Eto ang panahon kung saan sila me fasting

No food , no water at walang kembot.

Gusto ko ang panahon na to

Syempre kse konti lang ang oras ng trabaho

At mas konti talaga ang trabaho.

Pero para sa mga sisterettes natin dito

Hindi nila masyadong feel ito

Kse wala ng kembot

Walang pang extra income

At kung gusto nila ng kembot

Nandyan ang ating mga kabayan

Kya nga lang

Kelangang gumastos ka 

Syempre me lafang

At me ksamang nomo pa yan

Dafat handa ka

Inshort me anda ka

Kainez veneracion

Me ganung factor talaga

Mga pinoy nga naman

Hainaku..

Tuesday, August 10, 2010

the star is back

Fresh from vacation

From the famous land of mayon volcano

She is back.

Ang pinakamagandang hayop star is really back

Teka lang....

Fresh ba talaga?

Friday, July 30, 2010

Ms Venezuela

Meet Andie

Opps di po sya si Andie ng Agua Bendita

Isa syang bagong beki dito

pero di naman masyadong bago medyo lang

Maganda ang trabaho nya

maraming anda at me taglay na ganda

A morena beauty like me

Sa unang tingin mapagkakamalan mo syang maldita,

pasosyal at isnabera

Pero beyond that look eh me nakatago palang ibang anyo

Game din pala, walang kiyeme

Like me again, "looks can be deceiving" ang aura nya

Sa inuman mahirap syang itumba

At eto pa ang maganda

when it comes to boys eto ang drama nya

"Sa panahon ngayon maging choosy pa ba,

hindi na kesa naman sa zerowena."

Bonggang-bongga devah

At sa mga nagrereyna-reynahan ditey

eto lang ang say nya

"Ms Venezuela, let the competition begin"

O laban ka..

Thursday, July 29, 2010

sexy daw

matagal ko ng napapansin na medyo mataba na ako

me chanda romero na rin

at higit sa lahat

wala na ang dating balingkinitang katawan

opps alam ko me kumukontra

pero sooo true talaga yon

nong kontesera pa ko sa ms gay

and that was long time ago..

hainaku

para na kong isang echoserang frog

o kaya ay isa ng buntis

ewan ko lang kong sino ang fudra

sobrang dami kse nila

landi ko talaga hihihi

kasama na rin siguro sa pagtanda hahaha

pero I miss my old self

I mean ung sexy kong katawan

at buti na lang sale ang sun and sand

nakabili ako ng sit up bench wt dumbell

I started na nga eh

ay apo aya hirap

sakit pa sa tiyan

ewan ko lang kung kakayanin ko

hainaku..

goodluck na lang sa kin.

Wednesday, July 21, 2010

bading daw

Pagkagaling sa work I always check
if I have any message sa facebook..
Few days ago I received a message
which goes something like this,

"gurl pakitanggal naman ung mga pics
na nilagay u na halata ako,
kse ung jowa ko nagdadalawang isip na sa kin
pls lang nmn o,tnx.."

Napa OMG at napatili ako ng bonggang-bongga
As in hello yong itsura nyang yon,
yong super contact lense,
yong lalamya-lamya nyang kilos
pilantik ng mga daliri
at yong kapal ng foundation sa mukha nya
na parang everyday is a foundation day
di pa ba given yun?..

Hainaku,
I remember those days na jumujoin
pa kami ng Ms Gay sa Abra
kung saan palagi ko syang tinatalo..
hainaku uli..

Ang hina naman ng gaydar ng dyowa nya na singkapal
din ng foundation ng mukha nya.
Eto pa ha, me dyowa din daw syang true girl
na nagbibigay ng load sa kanya
One time nagkita sila at nagpunta sa isang motel
at eto ang matindi ksama din nya yong friend nya na bading
natulog lang sila at walang nangyari
Ang shonga-shonga naman ng girl
di man lang nagtaka
O wala man lang nahalata.

At dahil mabait ako
tinanggal ko ang mga pics namin

Dahil ayokong maging kontrabida
At dahil ayokong ako din ang maging dahilan
ng paghihiwalay nila,

Tinanggal ko na din sya sa list of friends ko.

Saturday, July 3, 2010

muli

Remember the x-mas gift santa gave to me last year?

I saw him kanina sa oval.

Guwapo pa rin, at mas gumanda pa ang katawan

Isa talaga syang hunk.

Bumilis tuloy ang tibok ng puson ko,

I mean ng puso ko

at merong nabuhay muli sa katawan ko.

Gusto ko syang yakapin ng napakahigpit

at di na pakawalan pa, gawaran ng napakatamis

na halik pero sa isip ko na lang ginawa.

Maraming bawal

Nagshakehands na lang kami,

at konting kuwentuhan.

Nakuntento na muna ako dun

Mahirap

Napakahirap

Kelan kya mauulit

muli..

Wednesday, June 30, 2010

two and a half

last friday

we went to princess urduja's place

and guess what

nagamit ko ang baon ko

palaban ang mga boylet

and guess what uli

they were armed wt humps and bolitas

nakakalokah

ang mga pinoy nga naman dito

walang magawa

kung ano-ano ang mga pinaglalagay

sa mga pag-aari nila..

ulan had one

princess urduja had one too

at dahil pinakamalandi

at pinakamasarap ako

i had two and a half

not bad at all.

Friday, June 25, 2010

boyscout

off ako today and tomorrow

at dahil dyan

i'm gonna stay in my friends house tonight

at dahil off din si ulan

kasama sya

and our friend princess urduja arranged something 4 us

me mga boylet dw na bisita

at dahil dyan na-excite ang mga lola

at dahil dating mga boyscout

dafat lang na laging handa

syempre me mga baon

at sana lang magamit namin.

Saturday, June 19, 2010

48 years

hainaku after 48 years

wala pa rin akong bagong entry

busy-busihan

walang maisip

o wala ng isip hahaha..

madami akong kwento

nsa baul pa nga lang

abangan nyo na lang..

Monday, June 7, 2010

balik disyerto

parang kailan lang

tapos na ang sang buwan

balik disyerto na naman

back to where i belong

ay mali

back to work pala

ganun talaga pag isa kang ofw

klangang magsakripisyo

para sa katuparan ng mga pangarap sa buhay

para sa sarili

at sa mga mahal natin sa buhay.....

Saturday, May 15, 2010

bakasyon

dito ako ngayon sa bayang sinilangan

pero di ako makalabas

di masyadong makapag-enjoy

alam nyo kung bakit?

because i'm sick

kainez...

Friday, April 16, 2010

Me Bago

Nadagdagan na naman ng

isang member ang  federasyon dito

Me bagong bading

Bata at sariwa pa daw sya

Yon ang ipinagkakalat nya

At mukhang ready ng maghasik ng lagim

Sabi pa nya mula sya sa angkan ni black beauty

At sya daw ang nawawalang kapatid ni vice

Beware, be mystified, bewitched

Dahil isa daw syang kabayong witch...echos

Introducing

FRANCIA
















Welcome sistah..

Wednesday, March 31, 2010

in and out

Bongga..
Ang isa sa mga pinakasikat na hunk singer sa
buong mundo ay umamin na...
Yes soo true ka dyan mga mare kumanta na sya ng
"I'm coming out, I want the world to know" wt feelings..

Papa Ricky Martin is out and he is in amongst us..

"I am proud to say that I am a fortunate homosexual man
 I am very blessed to be who I am."

Kahit medyo late na umamin keri lang
Let's welcome him wt open arms
Mabuhay ka sister
Mabuhay taung mga bading
Let's all be happy
And gay..

Monday, March 29, 2010

BUTI NA LANG

  The cast of the indie film  "Ang Pinakamagandang Hayop

Sa Balat Ng Lupa is now complete"..

At dahil dun malapit ng mag-umpisa ang shooting..

Excited ang lahat lalo na ang leading man ng bida..

Na isa ding baguhan..

Introducing...

DODONG YAWAT





















Buti na lang..

Thursday, March 18, 2010

ANG PINAKAMAGANDANG HAYOP SA BALAT NG LUPA 3

Me gagawing indie film..
Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa..
Bading version.
Exciting to.
Sa dami ng nag-audition ilan lang ang pumasa
Heto ang mga pinagpilian..

 

 
PRINCESS URDUJA

 

 
 

 
Bagay yong role sa kanya kse beauty queen din
sya katulad ni Gloria Diaz at Ruffa kya lang me konting
problema..sa talent fee pa lang nya ubos na ang budget
ng pelikula. Demanding ang bakla. Kakalokah.
Backout tuloy ang producer.

 

 

 
WELGA MAKIBAKA

 

 
 
 
 

 
Kung ang malaporselanang kutis lang ang basis
keri na sana kya lang madami pang qualifications.
Mas bagay dw sa kanya ang role na kapitan del barrio.
Nagpromise naman ang producer na sya ang gagawing bida
sa remake ng pelikula dati ni ate Vi at bagay na bagay sa kanya..
SISTER STELLA L..
Magwelga na lang dw sya ng magwelga..

 

 
REYNA

 
Keri na din sana.
Maputi, makinis.
Kya lang ayaw ng producer ang me brace.. ewan
ko kung ano ang drama.. bka din dw kse magselos
ang dyowa sa dami ng lovescenes at sexy scenes.
At higit sa lahat kelangan dw nya mag-diet..

 
 
 
 
ARA

 
Maganda, maputi, makinis.
Pwede na sana kya lang  di na sya masyadong
active sa showbiz mas priority kse ang lovelife..
At paliitin muna ang tiyan bka mapagkamalan dw
na buntis agad ang bida..

 
 
 
MARIA G

 
Swak na swak ang role sa kanya.
Innocent looking, malakas ang dating at higit sa lahat
marunong umarte, plastic kse.
Kya lang madami na dw syang ginawang indie film
katulad ng   "Sa Garden ni Princess Urduja" part 10
"Sa likod ng tangke ng tubig"
"Portacabin" part 25 na yata
"Tinira Sa Motorsiklo"
"Sisid bakla Sisid"
Over exposed na dw kelangan dw bago
Disappointed tuloy ang lola nyo.

 

 

 

 

 

MAMA EDA

 
Imagine ang mama mega-audition din.
Sabi ng producer mas bagay dw sa kanya ang nanay ng bida.
Imbyerna tuloy ang mama..
Di pa dw sya tumatanggap ng mother role.
Nagpromise naman ang producer  na gagawin syang bida sa next
indie film na ipoproduce nya, Ang pinakamagandang hayop o
nilalang sa ilalim ng dagat,   "Ang Balyena.."
At ang location sa gitna ng pacific ocean, taray.
Tuwang-tuwa naman ang mama kya mega prepare na agad,
super praktis na sya ng swimming.
Ewan ko lang kung kelan sisimulan ang project bka after 48 years pa.


 




Ang role ay napunta sa isang baguhan..
Bagay na bagay..
Akmang-akma..
Pasok sa banga..

Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa


FRANCINE PRINITO



CONGRATULATIONS..








































Monday, March 8, 2010

IN LAB?




Sabi nila

there is nothing permanent in this world except change

madaming pagbabago

climate change

wind of change

at kung ano-ano pang klaseng changes

at isa sa mga changes lately ay gusto ko

ang dating deadma sa mga boys

ang dating walang time sa pag-ibig

ngayon ay in love

and ay luvveet...



ANO ANG TITLE NG POST NA TO?

Ano kya ang magandang title ng post na to


Sige nga hulaan nyo?



LOVER

Remember Princess Urduja?

Aside from her(?) Roof-a-man Foundation

Involved din sya sa ibat-ibang charitable institutions

At

isa din syang


LOVER.....






ng mga hayop?










Thursday, March 4, 2010

BEAUTY REST

Habang nagkakantahan

at nag-eenjoy ang lahat sa party

ang isa naman ay kasalukuyang

nagbu-beauty rest..

GODO

I was a bit shock wt the news I heard the other day
Ang isa sa mga member ng barangay tamod sa Abra ay wala na
Naaksidente sakay sa kanyang motorbike
Papunta dw sya sa mga ibang bading sa La Paz
Lasing.

Mamimiss ko sya
Mamimiss ko ang pagrampa namin sa Maligaya
Ang pagrampa namin sa Manggahan sa Commonwealth
Ang ingay namin sa stage habang kasali kami sa Ms Gay contest
Ang pandadaya nya sa mag kamag-anak namin sa bingo
Ang pagkakikay nya
Ang pagiging fashionista nya kuno.



















Goodbye Godo
A relative and a friend

May you rest in peace

Sapay koma ta adda ka dita pagarian ni Apo Diyos.

Monday, March 1, 2010

HAPPY BIRTHDAY 2 ME

it's my birthday tom

and i'm on a 24H duty

sa kampo

i'll just celebrate it

ksama ng mga sundalong lokal

kainez veneracion

what to do

kelangang magtrabaho

para magkaroon ng

pangkabuhayan showcase

HAPPY BIRTHDAY

na lang sa kin..

Sunday, February 28, 2010

HAPPY BIRTHDAY

today is ur birthday

i just wonder kung ano handa mo ngaun

kse last year ipinaghanda kta 

kahit wala na tau

still wishing u the best

Happy birthday...



Saturday, February 27, 2010

kakamiss

it's my day off

at dahil wala akong magawa

tingin-tingin na lang ako sa photo album ko

namiss ko tuloy ang pinas

lalo na ang mga friendship ko

ang mga bading sa abra

so i decided to post some photos
















sa tabi ng ilog

ksama

ang baklang beauconera na lahat na ata ng ms gay sinalihan na

at inuulit pa at bago magcontest umiinum muna

pampawala dw ng nerbiyos

ang baklang mayaman na lasengga

ang baklang mukhang maton na balak magtayo ng

sariling boystown at mahilig  magpa-children's party

inshort mahilig sa mga.. alam nyo na
















at ang mga iba pang members ng barangay tamod

este barangay tanod pala

kse sinusuyod ang ibat-ibang barangay

khit disoras na ng gabi

para lang makalalake..