Monday, August 15, 2011

MGA BEKI SA DISYERTO


ditey sa kaharian
ng langis at disyerto
naglipana ang mga beki
ibat-ibang uri
iba-ibang klase
me pabilog me pahaba
char lang teh
me paminta me tago
me ladlad me babaihan
me mga magaganda
(syempre kabilang akez)
mas maraming walang ganda
pero uber sa dami ang nagmamaganda
paistaran
divadivahan
at me mga warla
me mga ganung attitude
tru yan mga kafatid
kanya-kanyang eksena
minsan  rampage ang lolah nyo
sa dubai mall
bitbit ang boylet ko
na parang si ronnie liang lang
tingnan ba akez ng mula ulo til kuko
sabay irap
(nakasandals lang kse akez)
imbes na maasar
natawa na lang ang lolah nyo
pano kse
ang nagtataray
masyonda ng bading
panot pa
syempre mukha pa kong freshness noh
hainaku
sana waley ng gantong chuva
waley ding warla
para everybody happy
sabi nga ni manilagayguy
world peace.