Friday, July 30, 2010

Ms Venezuela

Meet Andie

Opps di po sya si Andie ng Agua Bendita

Isa syang bagong beki dito

pero di naman masyadong bago medyo lang

Maganda ang trabaho nya

maraming anda at me taglay na ganda

A morena beauty like me

Sa unang tingin mapagkakamalan mo syang maldita,

pasosyal at isnabera

Pero beyond that look eh me nakatago palang ibang anyo

Game din pala, walang kiyeme

Like me again, "looks can be deceiving" ang aura nya

Sa inuman mahirap syang itumba

At eto pa ang maganda

when it comes to boys eto ang drama nya

"Sa panahon ngayon maging choosy pa ba,

hindi na kesa naman sa zerowena."

Bonggang-bongga devah

At sa mga nagrereyna-reynahan ditey

eto lang ang say nya

"Ms Venezuela, let the competition begin"

O laban ka..

Thursday, July 29, 2010

sexy daw

matagal ko ng napapansin na medyo mataba na ako

me chanda romero na rin

at higit sa lahat

wala na ang dating balingkinitang katawan

opps alam ko me kumukontra

pero sooo true talaga yon

nong kontesera pa ko sa ms gay

and that was long time ago..

hainaku

para na kong isang echoserang frog

o kaya ay isa ng buntis

ewan ko lang kong sino ang fudra

sobrang dami kse nila

landi ko talaga hihihi

kasama na rin siguro sa pagtanda hahaha

pero I miss my old self

I mean ung sexy kong katawan

at buti na lang sale ang sun and sand

nakabili ako ng sit up bench wt dumbell

I started na nga eh

ay apo aya hirap

sakit pa sa tiyan

ewan ko lang kung kakayanin ko

hainaku..

goodluck na lang sa kin.

Wednesday, July 21, 2010

bading daw

Pagkagaling sa work I always check
if I have any message sa facebook..
Few days ago I received a message
which goes something like this,

"gurl pakitanggal naman ung mga pics
na nilagay u na halata ako,
kse ung jowa ko nagdadalawang isip na sa kin
pls lang nmn o,tnx.."

Napa OMG at napatili ako ng bonggang-bongga
As in hello yong itsura nyang yon,
yong super contact lense,
yong lalamya-lamya nyang kilos
pilantik ng mga daliri
at yong kapal ng foundation sa mukha nya
na parang everyday is a foundation day
di pa ba given yun?..

Hainaku,
I remember those days na jumujoin
pa kami ng Ms Gay sa Abra
kung saan palagi ko syang tinatalo..
hainaku uli..

Ang hina naman ng gaydar ng dyowa nya na singkapal
din ng foundation ng mukha nya.
Eto pa ha, me dyowa din daw syang true girl
na nagbibigay ng load sa kanya
One time nagkita sila at nagpunta sa isang motel
at eto ang matindi ksama din nya yong friend nya na bading
natulog lang sila at walang nangyari
Ang shonga-shonga naman ng girl
di man lang nagtaka
O wala man lang nahalata.

At dahil mabait ako
tinanggal ko ang mga pics namin

Dahil ayokong maging kontrabida
At dahil ayokong ako din ang maging dahilan
ng paghihiwalay nila,

Tinanggal ko na din sya sa list of friends ko.

Saturday, July 3, 2010

muli

Remember the x-mas gift santa gave to me last year?

I saw him kanina sa oval.

Guwapo pa rin, at mas gumanda pa ang katawan

Isa talaga syang hunk.

Bumilis tuloy ang tibok ng puson ko,

I mean ng puso ko

at merong nabuhay muli sa katawan ko.

Gusto ko syang yakapin ng napakahigpit

at di na pakawalan pa, gawaran ng napakatamis

na halik pero sa isip ko na lang ginawa.

Maraming bawal

Nagshakehands na lang kami,

at konting kuwentuhan.

Nakuntento na muna ako dun

Mahirap

Napakahirap

Kelan kya mauulit

muli..