Sunday, January 24, 2010

THREATENED AKO?

I received a txt message kgabi
Eto po ang nakasulat..

''M.tandaan mo ito may araw ka rin''

Galing to sa kalive-in ng friend ko
I just don't know kung gaano kaseryoso ito.


Papatayin  ba nya ako or he will hire a killer?
rerapin o bka ipagang-rape
pagkatapos iwanan na lang sa disyerto?
bugbogin ba nya ako o ipapabugbog,
isusuplong sa pulis at ipapakulong
dahil ako'y isang bading?
he must remember bading din ang kalive-in nya.


Ano ba ang napakalaking kasalanan ko sa kanya?
my being friendly and flirty ba
at maging kaibigan ng dyowa nya?
at ako'y isang bad influence
at ibubugaw ang dyowa nya sa iba?

Kasalanan ba na minsan-minsan ay me bonding
moments kming mga magkakaibigan,
mag-enjoy, kalimutan ang mga problema sa buhay?
Lahat ba ng panahon ay puro panlalake na lang
ang ginagawa ko?
at ginagawa naming magkakaibigan?

At bakit ako lang sa aming mga magkakaibigan
ang pinagdidiskitahan nya?
Dahil ako ba ay takot sa gulo at away
o dahil ako ay isang mahirap lamang, walang kilala,
walang kapit na sino man
at madaling patahimikin..

Kasalanan ko ba  kung mag-away sila?
bakit di nila pag-usapan ng maayos
kung ano ang problema nila
at bakit nya ako idadamay?

Di bale nasabi ko na lahat sa mga friends ko
at ng family ko sa Pinas
ang txt nya sa kin
whatever happens to me
God forbids alam na nila ang gagawin nila.

Ayoko ng gulo
ayoko ng away
sabi ko nga
''I am a peace loving person''..
mamuhay tayo ng tahimik, mapayapa
at higit sa lahat magsaya ng bonggang-bongga..

No comments:

Post a Comment