Wednesday, July 22, 2009

laba

Dumating ako sa pad ko 5 pm na...pagbukas ko ng pintuan nakita ko malinis,walang kalat..naisip ko di sya natuloy..tinanggal ko ang aking uniform at nagpalit ng pambahay..binuksan ko ang rice cooker bagong luto,pagbukas ko ng ref, me ulam, nagpunta sya..dalidali akong pumunta sa cr at tinignan ang washing machine,mga damit ko bagong laba..napangiti ako..malakas pa rin ako sa kanya..kinuha ko ang mga damit ko at isa isang sinampay..at habang nagsasampay, kumakanta ako na me kasamang indak kasehodang pagkainit init ng araw..pagkatapos,tinext ko at nagpasalamat.

1 comment: