Friday, January 28, 2011

ulan

hainaku

di pa nga ako tapos maglaba

ayan umulan na naman

me kasama pang kulog

kainez veneracion talaga

kakatamad tuloy lumabas

unting ulan lang

baha na agad

hainaku ulit

mabuti pa

itulog ko na lang.

Friday, January 21, 2011

rain

the weather these past few days is soo kainez

it's gloomy, windy and rainy

kaya anlamig talaga

kakatamad tuloy pumasok sa work

pero kelangan

baka any moment eh mategi aunor sa kompanya

at mag-hello Pinas bigla ang eksena

yoko ko nga noh

sayang naman ang pangkabuhayan showcase

tiis-tiis na lang muna

ienjoy na lang ang panahon

at sabayan na lang si Donna Cruz

na kumakanta ng awiting

rain...

rain rain go away

come again another day

chos...


Friday, January 14, 2011

baby 2

umuwi ako ng pinas bago magbagong-taon

kinasal kse ung pamangkin ko

syempre andun kami lahat

ansayasaya

sobra sa saya

after 12 days

bumalik na uli ako d2 sa dubai

nalungkot talaga ako

kse

i left  my heart in san francisco

joke..

sa pinas lang pala...


sa kanya....





















at sa kanya din...
















mga baby ko...




ako daw kse..


ang nawawalang nanay nila hihihi....


Monday, January 10, 2011

baby

tapos na ang basketball tournament ng Fil-Club ditey

as expected winnur ang transfed team

dafat lang  kse me mga import sila

kakahiya naman if ma-luz valdez pa sila noh

kya lang di ko na sya makikita

i'm gonna miss my baby

baby daw talaga huh

actually

baby pala ng lahat
























sana akin ka na lang...


echos...

Friday, December 17, 2010

ano daw ?

sa isang wedding reception

kasalukuyan akong lumalafang

ng biglang nag-alburuto ang  tiyanda romero

so may run to you ala lydia de vega akez sa kasilyas

at habang nakajupo ang reyna sa  tasa

este sa trono pala

nasightsung ko itey....
 



















ano daw ?

Monday, November 29, 2010

laban

me nagparamdam kanina lang
at himala
tumawag
hindi miskol lang
nangangamusta
namiss daw nya ang katawan ko
i mean ako hihihi
and he is coming tonight
at me bitbit pang bagong boylet
matinding labanan to
excited na ko..

Tuesday, November 2, 2010

ober da bakod

Dalawa sa mga kilalang bading ditey ang wala na..
oopps di po sila najulie vega at nadeport
at lalong di na tegi aunor
nag-ober da bakod lang sila
i mean lumipat ng ibang bansa
una dyan si Welga
kilala bilang Noie
na naging Ouie
at b4 umalis naging O na lang
parang evolution of man lang devah
do u still remember him?
ay sori as if me nagbabasa pala ng blog ko
other than  me and myself
deadma na lang
kunyari meron
siya yong mahilig makipagwelga sa pinas
dito liderlideran siya ng isang organisasyon
na tumutulong sa mga kababayan natin
ika nga nya
bayan muna bago sarili
devah masyadong makabayan ang drama
no wonder zerowena ang luvlife ng lola niyo
a month ago umalis na siya
this time sa Qatar
at ang kanyang rason sa paglipat?
to find his one true love
isang single
at pakakasalan  siya
ambisyosang  frog na bundat
haler mas istrikto pa dun kesa dito noh
pero the truth is
mas maganda kse ang offer sa kanya dun
executive secretary ng isang company
sosyal at ang gandang pakinggan ng work nya infairness
happy ako
kase wala ng magkakalat na pokpok ako
wala ng kokontra sa akin pag naglalandi ako
walang haharang sa mga boys na nagkakagusto sa kin
wala na akong ka english-san kahit talo ako lagi
di ko na din maririnig ang famous line nya
pag me tumatawag sa kanya ng bakla bading o bayot
"excuse me i have my name" wt matching irap
pero mas sad ako
kse mawawalan ako dito ng isang true friend
mamimiss ko siya
at ng sangkabaklaan dito
isang okray pero mabuting friendship
at sure na sure ako
tuloy pa din ang pagtulong nya doon.