Showing posts with label kwento. Show all posts
Showing posts with label kwento. Show all posts

Saturday, December 24, 2011

NOT A MERRY XMAS AFTER ALL



pasko na naman

lahat ay masaya

at nagdiriwang

ngunit ako ay nagdadalamhati

sampu ng aking kamag-anakan

kahapon pumanaw ang aking pinsan sa tarlac

at hindi ko man lang masilayan

sa kanyang huling hantungan

kenka manang tina

may you rest in peace

adda kanto latta ditoy puso

ken panunot mi nga agnanayon

we all love you





Friday, December 17, 2010

ano daw ?

sa isang wedding reception

kasalukuyan akong lumalafang

ng biglang nag-alburuto ang  tiyanda romero

so may run to you ala lydia de vega akez sa kasilyas

at habang nakajupo ang reyna sa  tasa

este sa trono pala

nasightsung ko itey....
 



















ano daw ?

Monday, June 7, 2010

balik disyerto

parang kailan lang

tapos na ang sang buwan

balik disyerto na naman

back to where i belong

ay mali

back to work pala

ganun talaga pag isa kang ofw

klangang magsakripisyo

para sa katuparan ng mga pangarap sa buhay

para sa sarili

at sa mga mahal natin sa buhay.....

Thursday, March 4, 2010

GODO

I was a bit shock wt the news I heard the other day
Ang isa sa mga member ng barangay tamod sa Abra ay wala na
Naaksidente sakay sa kanyang motorbike
Papunta dw sya sa mga ibang bading sa La Paz
Lasing.

Mamimiss ko sya
Mamimiss ko ang pagrampa namin sa Maligaya
Ang pagrampa namin sa Manggahan sa Commonwealth
Ang ingay namin sa stage habang kasali kami sa Ms Gay contest
Ang pandadaya nya sa mag kamag-anak namin sa bingo
Ang pagkakikay nya
Ang pagiging fashionista nya kuno.



















Goodbye Godo
A relative and a friend

May you rest in peace

Sapay koma ta adda ka dita pagarian ni Apo Diyos.

Sunday, January 24, 2010

THREATENED AKO?

I received a txt message kgabi
Eto po ang nakasulat..

''M.tandaan mo ito may araw ka rin''

Galing to sa kalive-in ng friend ko
I just don't know kung gaano kaseryoso ito.


Papatayin  ba nya ako or he will hire a killer?
rerapin o bka ipagang-rape
pagkatapos iwanan na lang sa disyerto?
bugbogin ba nya ako o ipapabugbog,
isusuplong sa pulis at ipapakulong
dahil ako'y isang bading?
he must remember bading din ang kalive-in nya.


Ano ba ang napakalaking kasalanan ko sa kanya?
my being friendly and flirty ba
at maging kaibigan ng dyowa nya?
at ako'y isang bad influence
at ibubugaw ang dyowa nya sa iba?

Kasalanan ba na minsan-minsan ay me bonding
moments kming mga magkakaibigan,
mag-enjoy, kalimutan ang mga problema sa buhay?
Lahat ba ng panahon ay puro panlalake na lang
ang ginagawa ko?
at ginagawa naming magkakaibigan?

At bakit ako lang sa aming mga magkakaibigan
ang pinagdidiskitahan nya?
Dahil ako ba ay takot sa gulo at away
o dahil ako ay isang mahirap lamang, walang kilala,
walang kapit na sino man
at madaling patahimikin..

Kasalanan ko ba  kung mag-away sila?
bakit di nila pag-usapan ng maayos
kung ano ang problema nila
at bakit nya ako idadamay?

Di bale nasabi ko na lahat sa mga friends ko
at ng family ko sa Pinas
ang txt nya sa kin
whatever happens to me
God forbids alam na nila ang gagawin nila.

Ayoko ng gulo
ayoko ng away
sabi ko nga
''I am a peace loving person''..
mamuhay tayo ng tahimik, mapayapa
at higit sa lahat magsaya ng bonggang-bongga..

Wednesday, January 6, 2010

New Year's Party

                             Pagdating ko sa villa ng mga friendship ko,
                             nag-iinuman na sila.
                             Syempre walang kamatayang besobeso
                             at batian ng happy new year.
                             Mayamaya dumating na din ang mga ibang
                             bading..Nagsimula na ang
                             sayawan,hiyawan,kainan,tagayan.
                                                          
                                 Syempre mawawala ba ang kodakan..

                                                                      


                                               The PINYA Model  






The SHY DAW SYA Look


etchoserang frog...



The SISA Look
O
MAHANGIN BA SA LABAS Look




The Famous Signature Smile
O
me LOCKJAW lang talaga sya
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           



At kung me NEW MOON

Syempre meron ding HALF MOON

O kaya HALF HALF




 Bongga sila..
Saya di ba..


New Year

  Sa bahay lang ako ng December 31. Naglinis,tinapon ang mga
lumang gamit,inayos ng bonggangbongga ang aking pad,
naglagay ng fresh flowers courtesy of Princess Urduja syempre.
Gumawa ng fruit salad and I'm so happy kse marunong na ako,
naglagay ng mga bilog na fruits sa mesa at kung anik-anik pa ang
ginawa para masuwerte ang bagong taon. At  bago mag12 midnight
binuksan ang lahat ng ilaw,nagpatugtog ng malakas.
Pinagtatawagan ang mga friends,relatives,ladies and gentlemen
para bumati ng happy new year.
  At 1 am,umalis ako sa aking pad,dumaan muna sa mga neighbors
kong mga pinoy at diretso na sa mga friends ko na nag-aantay sa kin.

Thanks Santa

    I wrote a letter to Santa before xmas at nagwish ako sa kanya na
sana me someone na darating na para sa kin sa pasko or even earlier.
I think my wish was granted. Dumating sya sa pad ko gabi bago
magpasko,ung gustong-gusto ko,ung taong matagal ko ng pinapangarap.Ng umuwi na ang mga bisita ko,we slept 2gether......................
in my bed, and guess what, natulog akong me ngiti sa labi.
I was so happy,it was memorable.
    Pero bakit ganun, parang promo lang,limited lang ng tatlong araw.
Daya naman ni Santa. Pinasaya nga ako pinutol naman agad,
it's so bitin.I hate it.
    Thank you na rin kse naging happy ako. I will never forget this xmas.
Salamat po uli Santa.

Thursday, December 17, 2009

celebration

     After 3 months of silence, ang princesa ng opm, ang nawawalang Francine, nagparamdam at gustong pumunta sa aking balay. Last Thursday night nagpunta nga pero ewan ko para namang walang nagbago sa itsura nya, parang gaya pa din ng dati. Ang bayoti queen sa kanilang barrio gusto daw mag celebrate. So inuman ang drama at dahil purita mirasol pa din ang bayot, to the rescue ang friendship naming rica ,ang nag-iisang Princess Urduja, me bitbit na sang case ng redhorse. Syempre di naman ako patatalo,nagcontribute din ako...ng mga boys..Si Francine ay may 2 reasons to celebrate. Ang unang reason, break na sila ng dyowa niyang arabo. Na sad naman sya pero di  daw sya katulad ni Princess Urduja na super cry ng iniwan ni Edward at umuwi na ng Pinas sa piling ng tunay na asawang girl. Sorry bka magalit, di naman daw sya iniwan, nagpaterminate  pala kse di na masaya sa work nya. And the second reason to celebrate, me dyowa syang bago and this time naman, the guy is from the land of peace, love and harmony, India. Kya pala slight lang ang sadness ng bayoti queen me kapalit agad at me magdadala na naman sa kanya ng grocery. Bilis naka move on. One day lang, inggit ako. How i  wish ganun din ako.

Here  s/he is 
in a happy mood.                                                                                                                                                                                                                                                                                           
                                     













masaya na sya nyan

di nga lang masyadong halata..







                                                                                                                                        

Tuesday, December 15, 2009

it's raining men

        Malamig ang panahon, sinamahan pa ng paulan-ulan kya nakakatamad lumabas ng bahay. Suddenly my friend called dahil sa kanila it's raining men din. Kasehodang me ulan at mahal ang taxi fare gogogo sago agad ang drama ko. Pagdating ko sa kanila madaming ngang menchu na nag-iinuman at nagkakantahan. I was introduced, ok na ok yong tatlo ,keri na ung lima, deadma na lang sa dalawa. They are working from different steel and construction companies here. Aminin man natin o hindi me soft spot tayong mga bading sa mga menchu na ganito ang work, lalaking-lalaki.. Pero napansin ko kaagad ang isa na di masyadong nagsasalita, father image na pero maganda pa rin ang katawan, mukhang mabango, in other words, yummy pa. A Kapampangan and an ex soldier, luvet. Siya lang ang di pumansin sa kin, I don't like it, and I hate it. What I did? Kumanta na lang ako ng Bailamos ni Enrique sabay dance. Atfer an hour nagpaalam na at lumabas sa cabin. At dahil umaambon pa sumilong siya sa me pintuan ng kabilang cabin, sumunod ako, chinika ko siya. Tipid pa ding magsalita. Chika ulit wt matching pagpapacute. And dating tipid magsalita kanina, tipid pa rin, kaya lang this time pabulong na at puro ahhh,ohhh,ahhh,ohhh na lang ang namumutawi sa labi niya..Ang tanging nasabi ko na lang pagkatapos, maganda pa rin ako. At bago mag 12 midnight,nakaqouta na,enough na.
       And what happened sa kanina pang nawawalang friend ko na si Princess Urduja? This time siya naman ang gumawa ng indie film, ang title, "Sa tabi ng mga bulldozer". Pagdating niya grabe ang ngiti abot hanggang tenga ngunit ang tshirt at ang kanyang pekpek shorts super dumi puro grasa at higit sa lahat ang daming kissmark. At me bunos, me isa pa na nag-aantay sa kama niya. Grabe umulan nga.

Monday, December 14, 2009

basura

Hay naku imbyerna ako..
dahil makulimlim ang kalangitan at nagbabadyang
kumanta si Donna Cruz ng Rain, I called  friendship tiboli Al
para kunin ang mga damit ko outside my bahaykubo kse
I was at work and the next day pa ang uwi ko.
Binalot nya sa plastic and nilagay sa car.
To namang dyowa nya tinanggal sa car
at sinama sa mga abubot nila na nsa isang tabi
kse ulit bagong lipat sila..To nmang asawa ng friendship
nmin na ksama nila sa house naglinis at tinapon mga
basura nila kasama ng nakaplastic na gamit ko.
Kumusta naman kya yon. If alam lang nila
what was thrown in the garbage..new shirt, underwears,
undershirts, tuwalya, pillowcases, bedsheet
and sofa bedcover na gift pa sa kin
nina princess urduja and mdm joan, mga mamahalin yon
and most of all pag suot ko to gumaganda at sumisexy lalo ako..
ang aking pekpek shorts..Hello di lahat ng nsa plastic eh basura  na.
Kainez Veneracion..lesson learned..
hayaan na lang ang mga sampay ksehodang
mabasa uli kesa matapon sa basura.

Wednesday, October 28, 2009

ulan

when it rain,it pours
totoo nga ito
kung sa Pinas walang tigil ang ulan
dito sa disyerto umuulan din
kya lang hindi tubig ulan
kundi it's raining men
pero hindi po sa kin
opo,hindi nga po sa kin promise
ask nyo kung kanino
syempre sa friend ko
me dyowa syang pinoy chef
me engineer na pana
me adnoc boy
me bouncer
me bago pa siya from alhamra
iba talaga ang kinang ng beauty nya
kahit sa dilim kitang-kita pa rin
uod ng ganda
i mean ubod ng ganda
akma talaga ang pangalan nya
sya ang nag-iisang princess urduja

gusto

me gusto ako ngaun
in fairness and in fairview cute ang mokong
kya lang i'm not sure if he likes me too
me pagkamaarte
di daw sya easy to get
at gusto nya ligawan ko sya
anong akala niya sa kin lalake
at siya ang girl
ay sus aya apo
sabi ko if we like each other wala ng ligawan pa
di daw kse sanay ang loko
etchingin pa ako
wag daw ako magmadali
wait lang daw
aba, hanggang kelan naman ako maghihintay
pag end of contract na kami pareho
pag close na ang keps ko
sabi ko bahala ka
madami kayang nag-aantay at nag-aabang sa kin
good catch kaya ako..

Wednesday, September 23, 2009

pamangkin

dati
me gusto ako
guwapong bata
alam ko gusto din nya ako
kaya lang nawalan ako ng gana
di pa kami mag-on
nagseselos na
minsan me kasamang walk-out pa
pag naliligo
gusto nya sinasabonan at ini-iscrub siya
pagkatapos pinapahiran ng lotion
at inaayos ang buhok.

ngayon
di ko na sinasagot ang tawag at text nya
marami na akong pamangkin
ayoko ng dagdagan pa.

Wednesday, September 16, 2009

crabbing

last thursday nagpunta kami sa dagat
me mga pinoy na nagkacrabbing
pagkatapos nilang manghuli ng mga crabs
gumawa sila ng apoy at inihaw nila ito
ng maluto kumain na sila


pagkatapos sila naman ang aming hinuli
kinain din namin sila
umuwi kaming busog
at may ngiti sa  labi

Wednesday, July 22, 2009

laba

Dumating ako sa pad ko 5 pm na...pagbukas ko ng pintuan nakita ko malinis,walang kalat..naisip ko di sya natuloy..tinanggal ko ang aking uniform at nagpalit ng pambahay..binuksan ko ang rice cooker bagong luto,pagbukas ko ng ref, me ulam, nagpunta sya..dalidali akong pumunta sa cr at tinignan ang washing machine,mga damit ko bagong laba..napangiti ako..malakas pa rin ako sa kanya..kinuha ko ang mga damit ko at isa isang sinampay..at habang nagsasampay, kumakanta ako na me kasamang indak kasehodang pagkainit init ng araw..pagkatapos,tinext ko at nagpasalamat.

kuya

Last night my kuya i mean my ex called(i used 2 call him kuya)..

musta
asan ka?

k lang
haus,y po?

me pasok kb bukas?

am me tom

painternet naman..chat lang kami ng tita ko sa pinas bukas ng umaga

ha.....k.

salamat

favor naman pa wash ng mga damit ko.
la na kse akong uniform

magkano?

magkano ka dyan!

joke lang..sige.malakas ka pa rin naman sa kin eh

tnx..iwan ko na lang susi sa dati pa ding place

k. bukas na lang.

miss u

miss u 2..
ulol.hahaha.
.
hahaha.sige na.nyt2nyt2

Ewan ko ba di ko pa din sya mahindian...almost 2 months na ng hiniwalayan ko sya...yes,that's true.why?..kse po d2 na yong asawa nya...yoko kse manira ng isang relasyon...am sure madami magrereact dyan...ganun talaga ako pag mahal ko ang isang tao kya kong magparaya kahit masakit.
Alam ko naka move on na ko although naiisip ko pa din sya..what if kami pa rin till now...mga ganung factor ba...pero ok na ko kse alam kong masaya sila at masaya din ako para sa kanila.

He just called papunta na daw sya sa pad ko,nsa work kse ako..let's see if maglalaba nga sya.............yokong umasa.